Kung merong Pride and Prejudice and Zombies. Magpapahuli ba ang Pinas? Ito ang unang volume ng “Wag Mong Salingin ang mga Patay” ni Carlos Malvar at Jose Rizal.
Excerpt:
Alas sinco ng hapon, ilang oras bago magsimula ang piging at habang ang bumubulusok na bulalakaw na gugunaw sa mundo’y kalalagpas pa lamang ng planetang pula, ang panauhing pagdangal na si Crisostomo Ibarra ay nakagapos sa kanyang kama, habang supal-supal ang panyo ng kanyang kasintahang si Maria Clara.
Suot lamang ang kanyang salawal na moderno’t mapang-akit ang disenyo (sapagkat ang eskandalosong salawal ay hindi man lamang umabot sa mga tuhod ni Ibarra), pinipilit ni Crisostomo na kumalawa sa kanyang pagkakagapos sa pamamagitan ng pagpihit.
“Hep, hep, hep, aking irog,” mapanuksong bulong ni Maria Clara. Yumuko si Maria Clara upong mapalapit sa mga taynga ng binata. “Hindi mo ba kayang pangibabawan ka ng isang babaeng tulad ko?”
WOOT! TANGEEENA!